Advertisers

Advertisers

SANDRA CAM, NAGPAHIWATIG NANG PAGTULONG KAY PBBM

0 238

Advertisers

NAGING madamdamin at puno ng hinagpis ang naramdaman nang humarap sa mga mamamahayag ang dating ‘whistleblower’ at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra M. Cam matapos ang halos dalawampung buwan sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame, Quezon City.

Si Cam, kasama ang anak na si Marco Martin, Nelson Cambaya, Junel Gomez, Bradford Solis,Juanito de Luna at Rigor dela Cruz ay pawang inakusahan ng kasong murder at frustrated murder dahil umano sa pagpatay kay dating Batuan,Masbate Vice Mayor Charlie D. Yuson III at kaibigan na si Alberto Alforte.

Sa naging pahayag ni Cam sa isang press conference na ginanap sa Chavez Miranda Aseoche Law Office na matatagpuan sa One Corporate Plaza, Arnaiz Avenue, San Lorenzo Village, Makati City, sinabi nito na madami siyang natutunan sa loob ng bilangguan, maging ang kanyang anak at dito ay naging malapit sila sa Diyos dahil kapag isinuko mo ang iyong buhay sa kanya , walang imposible.



Sinabi din ng dating Presidente ng Whistle Blower Association of the Philippines, na nagpapasalamat siya kay Atty. Bodie Miranda at Atty. Paulo Tumbali na pinagkakautangan niya ng kanyang buhay upang mapawalang sala ito sa korte.

Nang tanungin naman ng ilang mamamahayag ang tungkol sa kalagayan ni dating Senator Leila de Lima ay umaasa si Cam na mabibigyan ng ‘fair judgement’ at mapalaya mula sa kulungan ang dating senador at makamit ang tunay na hustisya.



Aminado si Cam na nagamit siya bilang kasangkapan para makulong ang dating senador. Nakita at naranasan niya ang sakit at hirap nang pagkakakulong at humingi na ito ng kapatawaran at pagsisisi sa kanyang pagkakamali.

Nagpahiwatid din si Cam na handa itong tumulong kay Pangulong Ferdinand’ Bongbong’Marcos Jr. bilang
Public Servant subalit hindi ito humihingi ng anumang posisyon sa gobyerno kundi inaalok niya ito ng tulong bilang isang lingkod-bayan at ito ay para isiwalat ang mga kurap ng gobyerno.



Noong lunes ng gabi ( January 16,2023 ) ay nakalabas ng custodial center sa Kampo Crame si Cam matapos na ipinawalang sala ng National Capital Judicial Region branch 42 ,Manila ang kasong murder at frustrated murder dahil sa kabiguan ng prosecution na mapatunayan ang kanilang ‘guilt beyond reasonable doubt’ .

Apat pang akusado ang nanatiling ‘ at-large’ simula nang mag-isyu ng warrant of arrest noong April 2021.

Samantala, ipinararating ni Cam ang kanyang pakikiramay sa mga naulila ng dating bise alkalde ng Batuan,Masbate at umaasa na mahanap ang tunay na salarin sa kaso.

Magugunita na noong ika-9 ng Oktubre 2019, pagitan ng alas-8 at alas-9 ng umaga ay biglang nilapitan ng mga salarin sina Yuson at Alforte habang nag-aalmusal sa Jhervee’s eatery na nasa kahabaan ng Vicente Cruz st,Sampaloc,Manila.

Si Yuson III ay nagtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan at idineklarang dead on arrival sa ospital samantalang nagtamo naman ng multiple physical injuires at gunshot wounds si Alforte IV na nakaligtas sa kamatayan. (JOJO SADIWA/Photos by: CESAR MORALES)