Advertisers

Advertisers

P4.2m tsongki binunot sa South Cotobato

0 131

Advertisers

Abot sa P4.2 milyong halaga ng mga tanim na marijuana ang binunot at sinira ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa bayan ng Tampakan, South Cotobato nitong Lunes.

Ayon kay PDEA 12 director Naravy Duquiatan, may kabuuang 21,000 tanim na marijuana ang binunot ng kanilang mga tauhan kasama ang puwersa ng Tampakan Municipal Police Station at South Cotabato Provincial Police Office sa lupain sa nasabing bayan.

Samantala, nauna nang nadakip ang dalawang 17 anyos na estudyante ng Tabuk City, Kalinga nang makumpiskahan sila ng mga dahon ng marijuana sa isang checkpoint sa Lubuagan, Kalinga.



Sinabi ni Cordillera police director Brig. Gen. Mafelino Bazar na bago pa lang sa bentahan ng iligal na droga ang dalawa na unang dinakip ng mga pulis dahil sa pagsuway sa mga awtoridad nang tangkain nilang takasan ang checkpoint sa Barangay Dangoy sa bayan ng Lubuagan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">