Advertisers
NAGPAHAYAG ng optimismo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Martes na maaaring gamitin ng Pilipinas ang malakas na presensya ng mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Gitnang Silangan upang i-corner ang mga pamumuhunan mula sa mga bansang Arabo na tumitingin sa silangan para sa bagong destinasyon ng pamumuhunan.
Sa open forum sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland, tinanong si Pangulong Marcos kung paano niya nakikita ang posibleng pakikipag-ugnayan sa mga bansa sa Gulf, na ngayon ay isinasaalang-alang ang Southeast Asia bilang isang bagong lokasyon para sa mga pamumuhunan.
Sa kanyang tugon, sinabi ng Pangulo na ang anumang malalaking capital intensive investment ay malugod na tinatanggap sa Pilipinas sa ngayon habang sinusubukan ng bansa na lumago sa utang na natamo nito.
Ayon sa Pangulo, kailangang mabawi ng Timog-silangang Asya ang posisyon nito bago ang pandemya ng coronavirus, na binabanggit na ang rehiyon ay isang mabilis na lumalagong ekonomiya habang pinapanatili ang mga pangunahing elemento na nagdala nito sa puntong iyon bago ang pandemya.
Maliban dito, sinabi ni Pangulong Marcos matagal nang matatag ang relasyon ng Pilipinas sa mga bansa sa Middle East bunsod ng presensya ng mga OFWs doon.
Nagiging bahagi na rin aniya ang kalakalan sa talakayan sa Arab nations sa harap na rin ng sovereign wealth fund na isinusulong ng administrasyon. (Vanz Fernandez)