Advertisers
TIMBOG ang 38-anyos na ‘most wanted person’ (MWP) sa 21 bilang ng kasong panggagahasa sa isinagawang pagsalakay sa pinagtataguan nito sa Barangay Sto. Niño 2, Dasmariñas City, Cavite.
Kinilala ang suspek na si Oliver Paul Garcia, residente ng Dasmariñas City.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Police Office Director, Colonel Christopher Olazo, ikinasa ang operasyon laban sa suspek ng mga operatiba ng Cavite Provincial Mobile Force Company (CPMFC) at Dasmariñas City Police Station nang makakuha ng impormasyon sa hideout nito.
Bitbit ang mga warrant of arrest na inisyu ni Josielyn D. Lara-De Luna, assisting judge ng Regional trial Court (RTC) Branch 90 (129) Fourth Judicial Region Dasmariñas City, para sa 11-counts ng rape at isa pang warrant of arrest para sa 10 counts ng rape at walang piyansang inirekomenda.
Isa si Garcia sa mga nakatala bilang MWP sa regional level ng pulisya.