Advertisers
SUMADSAD ang isang cargo ship sa Barcelona, Sorsogon dahil sa masamang panahon nitong Linggo.
Nakasaad sa incident report mula sa Philippine Coast Guard (PCG) na umalis ang landing craft tank (LCT) Regent 101 mula Lazi, Siquijor January 19 patungong Lidong, Albay nang abutan ito ang masamang panahon nitong Enero 20.
“While navigating the vicinity waters off Barcelona, the vessel encountered strong winds and big waves, causing it to be drifted into the shallow waters,” anang PCG.
Ayon sa PCG, nadala ang barko sa katubigan ng Sitio Boracay sa Barangay Luneta.
Inispeksyon naman ng Coast Guard Station Sorsogon ang hull integrity ng distressed vessel para sa posibilidad ng oil spill, at ang kalapit na seabed para sa marine damage.
Pagmamay-ari ang distressed vessel ng Southern Regent Shipping Inc.