Advertisers

Advertisers

Anak ng ex-mayor, 5 pa kinasuhan sa pagpatay sa coop president sa Laguna

0 532

Advertisers

SINAMANPAHAN ng kasong kriminal ang anak ng dating alkalde ng Santa Maria at limang iba pa kabilang ang dalawang naaresto dahil sa pagpatay sa pangulo ng isang kooperatiba sa Barangay Santiago, Sta. Maria, Laguna.

Sa ulat ng pulisya, si Christened Jayson Cuento, anak ni ex-Santa Maria Mayor Joel Cuento, ang itinuturong “utak” sa pagpatay kay Santa Maria Cooperative President Harrison Boy Diamante sa Brgy. Santiago.

Sa pagpatay kay Diamante, dalawang gunmen ang naaresto, sina Edgardo Evangelio, 43; at Noel Buluran. Pinaghahanap pa ang tatlo nilang kasamahan.



Ayon kay Santa Maria Police chief, Major Eviener Boiser, kinasuhan si Cuento at lima pa ng ‘murder’ sa Provincial Prosecutor’s Office.

Kabilang sa criminal sheets sina Jonathan Bondad alias “Bojo”, driver ng L-300 van na ginamit ng mga salarin sa pamamaril; Rio Mahilon alias “James”, 35, isa sa gunmen; at Marvin Casas alias “Baloy” o “Batay”, ang driver na madalas sumundo sa gunman na si Buluran mula Rizal papuntang Santa Maria.



Sinabi ni Boiser, nagbigay na sina Evangelio at Buluran ng kanilang ‘extrajudicial confession’ na inasistehan ng abogado, at inaming inupahan sila ni Cuento para patayin si Diamante kapalit ng P100K.

Naaresto sina Evangelio at Buluran ng rumespondeng mga pulis.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">