Advertisers

Advertisers

Smuggled na sibuyas at petroleum products nasabat ng Customs at AFP

0 341

Advertisers

NAHARANG ng mga pinagsanib na elemento ng Naval Forces Western Mindanao, Bureau of Customs District Port of Zamboanga, Philippine Coast Guard, Marine Battalion Landing Team-11, Intelligence Operatives of Western Mindanao at Joint Task Force Zamboanga sa magkakahiwalay na operasyon sa anti-illegal smuggling operations ang mga smuggled na pulang sibuyas na nasa 44 thousand kilos at 300 drums ng iligal na ibinabiyaheng petroleum products tulad ng gasolina, langis at iba nitong Lunes sa Barangay Cawit, Zamboanga.

Unang nasabat ng mga otoridad ang isang closed van na may kargang 3,000 bags ng smuggled na red onions sa Varadero de Cawit ng nabanggit na bayan. Kinumpiska rin ang laman ng water craft o motor banca na MJ Marisa na may dalang nasa 8,000 mesh bags ng mga kulay pulang sibuyas na may kabuuang 44,000 kilos ang mga nasamsam na kontrabando.

Samantala, isa pang water craft na ML Zhary na may kargang 3,000 drums ng smuggled petroleum, oil and lubricants o (POL) ang sinamsam nang magsagawa ng Visit, Board, Search and Seizure o (VBSS) ang mga operatiba sa kaparehong lugar.



Nasa pangangalaga ngayon ng BoC-Zamboanga ang mga kinumpiskang kontrabando at ang involve na sasakyan at mga motor banca na nakatakdang isailalim sa inventory at sasampahan ng paglabag sa ilalim ng Customs Modernizations and Tarrif Act. (KOI LAURA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">