Advertisers

Advertisers

P7.1m shabu nakumpiska sa high value target

0 122

Advertisers

Kulong ang isang lalaki na tinaguriang nasa Regional High Value Target sa isinagawang buy bust operation nitong Lunes, Enero 23 sa Cebu City.

Kinilala ang nadakip na si Vincent Rodriguez alyas “JB”, 21, at nakatira sa Barangay Suba, Cebu City.

Sa report ng Sawang Calero Police Station, nahuli ang suspek sa Belgium St., Barangay Pasilng naturang lungsod.



Nakuha sa suspek ang 1.5 kilo ng shabu na may street value na P7,174,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, si Rodriguez.