Advertisers
Dead on arrival ang 17 anyos na estudyante nang masagasaan habang tumatawid sa by-pass road ng Brgy. Nancayasan, Pangasinan, noong Linggo, Enero 22.
Kinilala ang biktima na si Ernest Jules Draculan, Grade 11 student, at residente ng Zone 3 Brgy. Cayambanan, Urdaneta City.
Habang ang driver naman ng puting Mitsubishi Lancer kinilalang si Mando T. Valdez y Cruz, 39, residente ng Brgy. Isla, San Carlos City, Pangasinan.
Ayon sa ulat, tinatahak ng driver ang kanlurang direksyon ang aksidente nitong mabangga ang biktima.
Nagtamo ng minor injuries ang driver habang ang biktima naman nagtamo ng matinding sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito.
Dinala ang estudyante sa Urdaneta District Hospital nguni’t idineklarang dead on arrival ng doktor ang biktima.
Samantala, nasa kustodiya na ng Urdaneta Police ang driver at ang kaniyang sasakyan.