Advertisers

Advertisers

Bebot na-scam ng P10K ni “Willie Revillame”

0 244

Advertisers

SA halip na makakuha ng tulong, natangayan pa ng cash money ang isang babaeng humingi ng tulong sa TV show na ‘Wowowin’ noong Linggo.

Sa pahayag ng biktimang si Ruvy Gael, ng Barangay Talisoy, Jomalig, Quezon, nanonood siya ng Wowowin sa kanyang cellphone nang maisipan niyang magkomento sa comment section para sa tulong sa kanyang kapatid.

Aniya, nag-comment siya ng “Sir kahit panggamot lang ng kapatid kong bunso na ‘di naaalis ang sugat sa ulo. Sana po matawagan niyo kami”, at saka nito inilagay ang kanyang cellphone number.



Kasunod nito, may tumawag sa kanya na nagpakilalang siya si “Willie Revillame” na host ng show at sinabing nanalo siya ng P10,000.

Binigyan siya nito ng instruction na magpunta sa pinakamalapit na GCash Remittance Center para ma-claim ang kanyang premyo.

Subali’t lingid dito, sa halip na pagka-cash out, pagka-cash in ibinigay sa kanyang instruction ng caller papunta sa isang GCash account 09351055265 na may pangalang Wenalyn T.

Matapos ang transaksyon, laking gulat ng biktima nang sinisingil siya ang GCash teller ng P10,000 na ipinadala nito sa nasabing account number.

Napilitang magbayad ang biktima at saka nagsumbong sa pulisya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">