Sa pagtatapat ng movie…Joaquin ayaw saktan ang erpat na si Isko; Sarah na-challenge sa role sa ‘Ako Si Ninoy’
Advertisers
Ni BOY ROMERO
MAY bagong pelikula si Sarah Javier. Ito ang “Ako Si Ninoy” mula sa script at direksyon ni Vince Tanada. Produced ito ng Philippine Stagers Foundation at Reality Entertainment.
Markado ang role rito ng singer-actress. Gagampanan niya ang papel ni Rebecca Quijano, ang tinaguriang “The Crying Lady,” ang star witness sa pagpatay kay Ninoy Aquino.
Matindi ang ginawang preparasyon dito ni Sarah.
Aniya nang makausap namin sa Grand Reveal Media conference ng “Ako Si Ninoy,” inamin niyang na-challenge siya. But at the same time, blessed daw siya dahil siya ang napili for that role at isang malaking karangalan yun sa kanya.
“Nu’ng araw na yun, I was just so blessed dahil nakilala ko si Ms. Rebecca Quijano. Kasi para magampanan ko yung role, kailangan kong makausap in person yung tao. Siya yung nagtuturo kung ano ang feeling niya.
“Nakaupo siya sa upuan ko habang itinuturo niya sa akin kung ano . . . at traumatic din sa kanya dahil bigla siyang nag-flashback at sa flashback na yun, sinabi ni Direk, na may historian dun, yung parang tinuturuan kami kung ano talaga ang nangyari nung araw na yun.
“Siguro naman po, nabigyan ko ng justice yung role na yun. Masyado rin po kasing mabigat ang kuwento niya noon.”
Pinaghandaan ito ni Sarah dahil alam daw niya marami ang magtatanong sa kanya kung paano niya sinimulan ito at ginampanan.
Paliwanag niya na pinanood niya ang lahat ng documentaries sa Youtube at ini-apply sa sarili at may katuwang naman daw siya, si Direk Vince at di siya pinabayaan.
Kuwento pa ni Sarah, detalyado si Rebecca Quijano. Pati raw yung damit nang araw na kunan ang eksena, tinignan daw nito ang suot niyang damit kung yun ang tamang angkop na damit na dapat niyang isuot. Pati raw sa mga alahas at maging sa buhok para raw makita na dapat kambal talaga sila.
Nagpa-picture pa nga raw si Sarah sa kanya at pinost pa ito ng actress-singer.
At naikuwento rin ni Sarah yung aberyang nangyari nang araw na kunan ang eksena sa tarmac sa Subic International Airport.
Maaga raw silang nagising, kumain, nakahanda na pati mga camera, lahat sila, staff, crew at artists. Sumakay sila sa bus para pumunta sa location.
Lahat ng papeles, permit at kung ano ang dapat na kailangan, pero di sila hinayaang makapag-shoot. Pero may awa ang Diyos at nakapag-shoot pa rin.
***
KASAMA rin sa cast ng “Ako Si” Ninoy” si Joaquin Domagoso.
Asahan na pagsasabungin silang mag-ama dahil ang ama niyang si dating Manila Mayor Isko Moreno ay kasali naman sa kalabang pelikula.
Pero sabi niya na hindi sila mag-a-away ng kanyang dad at ayaw niyang kalabanin ito. Masasaktan lang daw siya at hindi naman daw nila pinag-uusapan ang mga ginagawang movies.
Basta siya raw ang nauna, since August pa of last year nang ialok ang said movie sa kanya.
Pero di niya maiiwasang di ma-bash.
“As we’re saying now na itong movie namin ay di naman ito against anybody, so kung may mamba-bash man sa akin, ok lang. Sabi ko nga kay Direk, okey lang ako, na bale wala lang. “Honestly, wala lang talaga,” deklarasyon pa ng batang aktor.
Dagdag pa niyang pahayag na saka lang siya masasaktan kung yung mamba-bash sa kanya ay yung mismong taong kilala niya. Katwiran niya, maganda ang ipinapakita niya sa taong yun, pero bina-bash pa rin siya.