Advertisers

Advertisers

Tusong empleyado buking sa payroll padding

0 212

Advertisers

Arestado ang 28 anyos na administrative staff ng isang kompanya nang mabuking na kasama sa listahan at kinokolektahan pa rin niya ng suweldo ang mga empleyadong hindi na nagtatrabaho sa nasabing tanggapan sa Bacoor City, Cavite.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ng suspek na si Christopher Mangampo Ludovice, empleyado ng Romadina G Cruz Enterprise at residente ng Riles Makinabang sa Baliuag, Bulacan.

Sa reklamo ni Romadina Guttierez Cruz, may-ari ng kompanya, 56 anyos at residente ng Teresa Park Subd, Pilar, Las Piñas City, natuklasan niya ang pandaraya ni Ludovice nang siya mismo ang nagpasuweldo sa mga empleyado. Nabisto niya na naka-payroll pa rin ang ilan sa mga ito kahit wala na sa kanyang kompanya.



Hindi naman tinukoy sa ulat kung magkano ang naibulsa ni Ludovice.

Dahil dito, agad na ipinadampot si Ludovice 3:00 ng hapon sa loob ng tanggapan ng kompanya sa 266 Pieces St.,Camella Homes 2 Salinas 3, Bacoor City, Cavite.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">