Advertisers

Advertisers

Gobyerno sisimulan na ang pamamahagi ng subsidies sa mga PUVs

0 8

Advertisers

SISIMULAN na ng gobyerno ang pamamahagi ng subsidies sa mga modern jeepney operators.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang P20,000 na subsidy kada unit ay ibabahagi sa mga eligible na operator na mayroong outstanding loan obligations at nahihirapan dahil sa mga utang.

Sakop ng programa ang mga modern jeepneys at UV Express sa buong bansa at ang modern buses na nag-ooperate lamang sa Metro Manila.



Mapupunan ang nasabing tulong ng hanggang tatlong buwan na hulog sa mga pinag-utangan ng mga operators ng mga sasakyan.

Pahayag pa ni acting LTFRB Chairman Atty. Greg Pua, nakikita ng LTFRB ang pangangailangan na magbigay ng tulong pinansiyal sa mga kuwalipikado transport service entities dahil sa patuloy na pagtaas ng krudo at ilang operational expensesna nakakaapekto sa transportasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">