Advertisers
NATATAKOT ang ilang residente sa Barangay Dumlog, Talisay City, Cebu dahil sa umano’y manananggal na nakita ng dalawang dalagita sa bubong ng isang bahay.
Ayon kay Alma Guillemer, lola ng isa sa mga dalagitang nakakita, “inutusang maghulog para sa WiFi banda roon. Nang bumalik, nakatingala siya diyan. Parang natakot, humiyaw, iyak nang iyak dahil nakikita daw niya, may kuko, may pakpak.”
Nakita umano ang manananggal sa bubong ng bahay ng pamilya Samson sa lugar.
Ayon sa may-ari ng bahay na si Albert Samson Jr., may narinig din daw siyang ingay sa bubong.
Sa salitang Cebuano si-nabi niyang: “Baka pusa lang ang nasa bubong. Pero maya-maya pa’y napansin niyang marami na ang mga taong nasa tapat ng kanilang bahay dahil may nakita umano ang mga bata na manananggal.”
Pero wala naman daw narinig na ingay sa bubong ang tatay ni Albert. Mga iyak lang ng mga bata raw ang narinig niya.
Ayon sa ilang residente, hindi ito ang unang pagkakataon na may namataan umanong manananggal sa kanilang lugar.
Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente. Kabilang sa mga tinitingnan nilang anggulo at magnanakaw o isang hayop ang nakita sa bubong.
Dahil sa insidente, maaga pa lamang nagsisiuwian na sa kani-kanilang mga bahay ang mga bata.