Advertisers
Tinakbuhan ng isang driver ng AUV ang gasoline station sa Victoria, Laguna nang magpa-full tank ito.
Sa ulat, matapos magpa-full tank, kumuha pa umano ang driver ng gallon at pati iyon, pinalagyan nitong gasolina.
Pinaandar agad ng driver ang sasakyan matapos mapuno ang gallon at hindi na ito nagbayad.
Sinubukan pang habulin ng gas boy ang sasakyan, ngunit tuloy-tuloy lamang sa pag-arangkada ang AUV.
Aabot umano sa P1,000 ang halaga ng gasolinang naitakbo ng driver. (PFT team)