Advertisers

Advertisers

Ali Asaytona nagpaka-daring sa BL series na ‘Toreros’

0 1,438

Advertisers

ANG newcomer na si Ali Asaytona ay mapapanood sa BL series na Toreros. Ito ang kanyang unang serye at aminado ang barakong ito na sumabak siya sa mga daring na eksena.
Ang serye na may 13 episodes ay mula sa LIFETIMEDREAMTV.COM at pinamahalaan nina Madison Fernandez at Paulo Molina. Pinagbibidahan ito nina Vin Drigo, Vincent Magbanua, Zk Nakaoka, Ivan Rivera, Dick Jordan, Bev Benny, Leo Albuera, at iba pa.
Nagkuwento si Ali hinggil sa kanilang BL serye.
Aniya, “Ang role ko rito, gagampanan ko si Ariel, the grave digger sa series na ito.
“Toreros ang title dahil naglalaban kami dahil sa pag-ibig at pera para sa pamilya at kung paano mag-survive sa isang sitwasyon kung saan pinasok namin at kailangan namin makalaya para makamit ang gusto namin.”
Dagdag pa ni Ali, “Dito ay nag-daring talaga ako at may ka-love scene na lalaki, panoorin na lang po nila kung paano ko nabigyan ng justice yung karakter ko rito.
“Kaya abangan po nila ang Toreros ngayong summer, ang BL series na kakaiba sa lahat.”
Saang streaming app iyan mapapanood? “Mada-download po nila through google play store, just search LTD+ at they can watch also sa website na lifetimedrea mtv.com. This is under lifetimedream production.
“Kasi wala po sa mga apple users, sa mga android phone lang puwede ma-download sa ngayon, kapag iphone kasi wala pa sa apple store sa ngayon.”
Si Ali ay nagsimula bilang model at nag-teatro siya bago sumabak sa BL serye. Kabilang sa ginawa niyang stage play ang “Happiness Is A Pearl” na lead role siya as Kenjie noong 2018, “Nakakapagpabagabag” na bida ulit si Ali bilang si Ernesto sa Act 1. Itim na Sampaguita, “Huwag Mong Salingin” lead as Crisostomo Ibarra, at. “Cam End Go” Lead, Act 1. Lowbatt.
Inabot ng pandemic kaya nabakante ng dalawang taon ang newbie actor na ito.
“Nagka-pandemic po kasi, so walang projects ng two years… So, pinag-isipan ko talaga nang mabuti bago ko gawin yung BL series na Toreros. Kumbaga kasi, challenging sa akin itong project na nakuha ko,” sambit pa ni Ali.
Desidido siyang pagbutihin ang trabaho dahil gusto niyang maging ganap na aktor.
“Yes po, kasi gusto kong maging ganap na aktor at ito ang gusto kong tahakin sa buhay, dahil ito yung gusto kung trabaho at maipagmalaki ko na kaya kong makipagsabayan sa iba
” seryosong wika pa ni Ali. (Blessie Cirera)