Advertisers
HULI ang mag-asawang kapwa nasa drug watch list ng kanilang barangay sa buy bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 10, Biyernes ng gabi sa Gomez St., Paco, Maynila.
Kinilala ang mga nadakip na sina Gerry, 41; at Maricris Monteverde, 41, kapwa taga 1467 Int. 33 Gomez St., Paco.
Sa ulat, 7:45 ng gabi nang isagawa ang buy bust operation. Nakumpiska sa mag-asawa ang 7 sachet ng shabu na may timbang na 2.4 gramo na nagkakahakaga ng P16,320. (Andi Garcia)