Advertisers

Advertisers

DepEd, NASAAN BA TALAGA ANG P9 BILYON NG MGA GURO?

0 303

Advertisers

MABUTI na lang iniurong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasukan ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya sa pampublikong paaralan sa Oktubre 5.

Sa petsang ‘yan, mahigit isang buwan pa ang haba ng paghahanda ng mga guro sa mga lalawigan at bayan, partikular iyong walang internet connection ang mga bahay ng kanilang mga mag-aaral.
Kung walang internet connection, learning modules ang gagamitin ng mga estudyante sa ipatutupad na sistemang distance learning.

Sa ganitong paraan ng pag-aaral, kailangan ng bond paper na paglalagayan ng mga paksang aaralin ng mga estudyante.



Batid ng mga guro na hindi kayang makabili ng bond paper ang mga magulang ng kanilang mga mag-aaral dahil sa labis na kahirapan.

Gustuhin man ng mga guro na maglabas ng sariling pera para makapag-aral ng mga bata, kapos din ang kanilang sahod.

Marami rin silang gastusin araw-araw sa kani-kanilang mga pamilya.

Tandaan natin, ang guro ay mayroon ding pamilyang binubuhay.

Mayroon din silang pinagkakagastusan araw-araw.

Kaya, napilitan nilang humingi ng tulong sa publiko.



Hindi sila nahiya.

Pinairal nila ang pagiging praktikal sa buhay.

Ang totoo, hindi dapat problema ng mga guro ang learning modules dahil mayroong badyet na manggagaling sa Department of Education (DepEd) upang pambili ng ink at bond paper para sa produksiyon ng learning modules.

Sinabi ko nitong Sabado rito sa BIGWAS! na inanunsyo ni DepEd Undersecretary Analyn Sevilla noong Agosto na P9 bilyon ang inilabas na pondo ng DepEd para sa printing ng learning modules.
Agosto 17 na ngayon, wala sa mga guro ang pondo.

Lumabas ang balita na nakarating na raw sa mga tanggapan ng mga hepe ng bawat dibisyon ng DepEd ang pondo.

Dito nagtatapos ang balita.

Wala nang nabanggit kung saan yunit ng DepEd nakarating ang pondo pagkatapos dumaan sa tanggapan ng mga hepe ng DepEd Division.

Umaasa akong makararating din sa mga guro ang pondo upang magtuluy-tuloy ang trabaho ng mga guro.

Tandaan po nating lahat na ang P9 bilyon ay pera ng mamamayang Filipino na inilaan sa DepEd para sa mga gagamiting learning modules ng mga guro sa kani-kanilang mag-aaral.

Hindi po perang magpapayaman sa ilang opisyal ng DepEd.