Advertisers

Advertisers

Sen. Go pinuri ang Bicam panel sa ratipikasyon ng Bayanihan 2

0 237

Advertisers

PINURI at pinasalamatan ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate committee on Health Chairman sa ratipikasyon ng Bayanihan To Heal As One Act o Bayanihan 2 ng Kamara at Senado.

Partikular na tinukoy ni Go si Sen. Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance sa pangunguna sa mahirap at krusyal na tungkulin.

Pinasalamatan din ni Go ang mga miyembro ng Bicameral Conference Committee na kinabibilangan nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority leader Sen. Migz Zubiri, Minority leader Franklin Drilon, Senators Pia Cayetano, Imee Marcos, Sen. Grace Poe at Risa Hontiveros.



Habang sa bahagi naman ng Kamara sina Congressmen LRay Villafuerte, Stella Quimbo, Jonathan Sy-Alvarado, Eric Yap, Ranie Abu, Junie Cua, Teodorico Haresco, Wilter Palma, at Sharon Garin.

Ayon pa kay Go, kapuri-puri na inisip ng Bicam ang pagbibigay ng benepisyo sa mga health workers sa public at government hospitals partikular sa mga nahawa ng COVID-19 maging ang mga namatay dahil sa virus.

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanawagan sa pagbibigay ng dagdag na benefits sa mga magigiting na healthcare workers hindi lang sa gobyerno kundi sa mga nasa private sector tulad ng special risk allowance, life insurance, accommodation, transportation at meal allowance.

Ipinagpasalamat din ni Go sa Bicam ang pagkilala nito na kailangan din suportahan ang repatriation ng mga Overseas Filipino Workers sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs at ang pagkilala sa importansya ng mga national athletes at coaches na nabawasan ng allowance dahil sa pandemic

Samantala, ipinaalala ni Go sa mga executive agencies na siguraduhin na magagamit sa tama ang pera ng bayan at matiyak na makakarating ang tulong sa mga pinaka-nangangailangan at pinaka-apektadong kababayan. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">