Advertisers

Advertisers

Lalaki kulong sa cellphone na gamit sa pamboboso sa ‘cr’ ng mga babae sa opisina

0 809

Advertisers

ARESTADO ang 32-anyos na lalaki nang mabistong ito ang may-ari ng cellphone na ginamit sa pamboboso sa mga naliligong kasamahang babae sa opisina sa Barangay Pantoc, Meycauayan City, Bulacan nitong Sabado.
Kinilala ang naaresto na si Andrew Valencia, 32. Hindi naman pinangalanan ang biktimang empleyada.
Ayon sa report, aksidenteng napansin ng biktima ang butas na pinaglagyan ng celfone habang naliligo ito sa loob ng comfort room ng kanilang kompanya. At nang kanya itong usisain ay nakita nito ang mga nakarekord sa celfone ng suspek na iba’t ibang video na kuha sa loob mismo ng shower room ng pinapasukan nilang kompanya.
Kaagad nagsumbong ang biktima sa awtoridad kaya nadakip si Valencia.
Ayon kay Lt.Col.Bernardo Pagaduan, Chief of Police ng Meycauayan City PNP, sasampahan ng kaso si Valencia ng paglabag sa RA 9995, Anti-Photo and Video Voyeurism.
(James de Jesus)