Bading na masahista kinatay, isinako

148

KINATAY na parang baboy, isinilid sa sako at itinapon sa bakanteng lote ang katawan ng isang bading na masahista sa Bacolod City.
Kinilala ang biktima na si Joel Aviles Jr. alyas “Kathlyn”, 30, residente ng Purok 3, Lampirong, Sitio Magsungay, Barangay Singcang-Airport, Bacolod City.
Sa report, umaga ng Setyembre 8 nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa Purok Malipayon, Brgy. 35 ng naturang lungsod.
Ayon sa ulat, may mga tama ng saksak sa tiyan at ulo ang biktima.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa karumal-dumal na kasong ito para matukoy ang salarin at ang motibo sa pagpaslang sa biktima.(PFT team)

Leave A Reply

Your email address will not be published.