Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HANGA kami kay Daniel Padilla dahil nanatili siyang loyal sa ABS-CBN 2. Hindi katulad ng ibang talents ng nasabing neywork na iniwan na ito para lumipat sa ibang istasyon.
At least si Daniel, marunong tumanaw ng utang na loob sa istasyong nagpasikat sa kanya.
‘Yung buhay ko nagbago. Nakakatulog nang maigi ang pamilya ko ngayon dahil sa mga ibinigay ng ABS-CBN na proyekto sa akin,” sabi ni Daniel sa panayam ng Pep.ph.
Patuloy niya, “Siyempre yung ibinigay nila sa akin, trinabaho ko naman. So, you know, it’s a give and take.”
Naniniwala si Daniel na malalampasan din ng ABS-CBN ang hirap na pinagdaraanan nito ngayon.
“I can wait, you know. Kaya ko maghintay. It’s not the end of me kapag lumipat na ako or something. I can wait hanggang makabangon ang ABS-CBN dahil naniniwala ako na babangon tayong lahat dito,” dagdag ng aktor.
***
GM KAT DE CASTRO KINUKUMBINSI ANG ERPAT NA SI KABAYAN NOLI NA LUMIPAT NA SA PTV
SI Kat de Castro ang bagong General Manager/CEO ng PTV (Philippine Television).
Ayon sa kanya, maipagmamalaki niya ang kanilang network, lalo na ang kanilang news and public affairs programs.
“We want to be competitive, and gusto naming malaman ng mga viewers na mayroon pa rin silang ibang option when it comes to viewing different programs. At siguro, isa sa mga ipagmamalaki ko pagdating sa PTV, kami lang po ang network na hindi gumagawa ng twist, hindi gumagawa ng anggulo. Talagang 100% information, truth and facts lang po,” sabi ni Ms. Kat.
“I hope that will all the new things happening in PTV, dumami pa rin ‘yung mga sumuporta sa aming mga programa, and even kung meron man kayong gustong iparating sa gobyerno, mas maganda na sa PTV ninyo na lang ipadaan. Kasi po, lahat po ng government agencies, maging ang ating pangulo ay PTV lamang po ang pinapanood.
“Kaya kung meron man kayong konting suhestiyon, o mga reklamo sa inyo-inyong mga lugar, e, ipaalam ninyo lang po sa amin, at sigurado pong amin pong mari-resolve yan,” aniya pa.
Pangarap ni Kat na lumipat sa PTV ang kanyang ama, ang dating Vice President ng Pilipinas, at beteranong Kapamilya broadcast journalist na si Noli de Castro. Kinukumbinsi niya ito pero hindi pa rin daw niya makumbinsi.
“Gusto ko pong lumipat sa PTV ang tatay ko. ‘Yun ang end-goal ko. His name is Kabayan so bagay siya para sa bayan (slogan ng PTV). Pero may sinusunod po siyang contract at nagbitiw na siya ng salita dati na he will stay in ABS-CBN. Nirerespeto ko po ‘yun. Sa kanila pa rin ako nakatira. So araw-araw ko po siyang kinukulit. Malay ninyo makumbinsi ko rin siya,” pagtatapos ni Ms. Kat.