Advertisers

Advertisers

Bagyong Ulysses signal #3 sa Metro Manila

0 447

Advertisers

Lumakas pa ang bagyong Ulysses matapos na umakyat na ito sa typhoon category at posibleng madagdagan pa ang puwersa bago ang landfall sa Quezon province.

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 100 km sa hilaga ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph at may taglay na lakas ng hangin na 125 kph at may pagbugsong 155 kph.



Itinaas ang signal number 3 sa mga sumusunod na lugar: Southern portion ng Aurora, southern portion ng Nueva Ecija, eastern portion ng Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, northern at central portions ng Quezon, kabilang na ang Polillo Islands, Catanduanes, Camarines Norte at northern portion of Camarines Sur

Habang signal number 2 sa Central at southern portions ng Quirino, central at southern portions ng Nueva Vizcaya, southern portion ng Benguet, southern portion ng La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, nalalabing lugar sa Pampanga, iba pang parte ng Nueva Ecija, nalalabing bahagi ng Aurora, Batangas, iba pang lugar sa Quezon, Marinduque, northern portion ng Occidental Mindoro, kasama ang Lubang Island, northern portion ng Oriental Mindoro, natitirang parte ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao Islands



At signal number 1 naman sa Isabela, natitirang bahagi ng Quirino, nalalabing parte ng Nueva Vizcaya, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, iba pang lugar sa Benguet, Abra, Ilocos Sur, natitirang bahagi ng La Union, nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro, natitirang parte ng Oriental Mindoro, Romblon, iba pang lugar sa Masbate; Northern Samar, northern portion ng Samar province at northern portion ng Eastern Samar.

Pinag-iingat din ng Pagasa sa storm surge malapit sa baybayin  na may taas na 3.0  at coastal areas ng Aurora, Quezon kabilang ang Polilio Island, Camarines Norte at Catanduanes at ang northern and eastern coastal areas ng Camarines  Sur  na may taas na 2.0 sa mga coastal areas ng La Union, Pangasinan, Isabela, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, northern portions  ng Mindoro Provinces kabilang ang Lubang Island, Marinduque, Romblon, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Island, Albay at Sorsogon at ang nalalabing coastal ng Camarines Sur. (Boy Celario)



 

Pasok sa gov’t offices at klase sa NCR at iba pang rehiyon suspendido 

SINUSPINDE ng Malakanyang ang pasok sa trabaho ng mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at ilang rehiyon sa bansa.

Batay sa inilabas na Memorandum Circular No. 82 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ito ay kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa Typhoon Ulysses.

Suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region, Regions 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Epektibo ang suspensiyon ng pasok simula 3:00 nitong Miyerkules ng hapon, November 11, hanggang bukas, araw ng Huwebes (November 12).

Batay pa rito, “The suspension of work for private companies, offices and schools is left to the dicretion of their respective heads.”

Sa ngayon, nakataas na sa Signal no. 3 ang NCR at ilan pang probinsya bunsod ng Bagyong Ulysses. (Vanz Fernandez)