Advertisers

Advertisers

Covid update: 311 gumaling; 49 nasawi; 1,672 bagong kaso

0 244

Advertisers

PUMALO na sa 90.2% ng kabuuang bilang ng naitatalangkaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Batay sa case bulletin #242, iniulat ng Department of Health (DOH) na hanggang 4:00PM nitong Miyerkules, Nobyembre 11 ay umakyat na sa 401,416 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa, matapos na makapagtala pa ng 1,672 bagong kaso.
Sa naturang bilang, 362,217 o 90.2% na ang gumaling, matapos na madagdagan pa ng 311 kahapon.
Pinakamaraming naitalang bagong kaso ng sakit sa Cavite, na nasa 100; sumunod ang Davao City na nasa 99; Quezon City na nasa 81; Batangas na nasa 78; at Baguio City na nasa 70.
Samantala, nasa 31,489 pa o 7.8% ng kabuuang kaso, ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit, kabilang ang 83.3% na mild cases lamang, 9.4% na asymptomatic, 4.6% na kritikal at 2.5% na severe cases.
Nadagdagan din naman ang mga bilang ng namatay ng 49 pa, kaya’t umakyat na ngayon sa 7,710 ang COVID-19 death toll sa bansa. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)