Advertisers

Advertisers

PNP Chief Sinas: Ipaubaya na sa prosecutors ang ‘mañanita’ issue

0 286

Advertisers

WALANG magaganap na malawakang balasahan sa hanay ng kapulisan, ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas.
Aniya, pupunuin lamang niya ang nga bakanteng posisyon at hindi na magre-revamp.
“I don’t think it’s a major reshuffle. Kung ano pong bakante, kasi madami nang mag-retire, ‘yun po fill-up natin. Kumbaga, kung umangat ang isa, marami po talagang maaapektuhan kasi mag-akyatan po lahat,” ani Sinas.
Binigyang diin ni Sinas na siya ay PNP Chief ng buong Pilipinas, kaya pantay-pantay ang kanyang pagtingin sa lahat ng rehiyon.
Samantala, umapela si Sinas sa kanyang mga kritiko na mag-move on na at kalimutan na ang kontrobersyal na Mananita dahil nakasampa na ang reklamo sa Taguig Prosecutors Office habang ang administrative case ay nakabinbin sa Internal Affairs Service (IAS) ng PNP.
Magugunitang naging kontrobersyal si Sinas nang magdaos ng kanyang Mañanita birthday celebration noong Mayo. (Jonah Mallari)