Advertisers
PUMALAG ang Department of Education (DepEd) sa panukalang magpatupad muna ng academic freeze o suspensyon ng klase matapos ang sunod-sunod na pananalasa ng mga bagyo.
Ito ay matapos managawan ang ilang mga grupo sa DepEd na itigil muna ang mga klase lalo na sa mga lugar na sinalanta ng serye ng mga sama ng panahon, na sumabay pa sa nararanasang COVID-19 pandemic.
Ayon kay DepEd Usec. Tonisito Umali, walang bansa sa alinmang parte ng mundo ang nagsuspinde ng muling pagbubukas ng klase kahit na may pandemya.
Sa halip, sinabi ni Umali na nagpatupad ang ahensya ng “academic ease” na naglalayaong mabigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante para makapagsumite ng mga requirements sa paaralan.
Samantala, umabot na sa mahigit 1,000 paaralan sa iba’t ibang mga rehiyon ang napinsala ng mga bagyo.
Sinabi ni Umali na mahigit 448 paaralan sa Bicol ang nasira kasunod ng pananalasa ng Super Typhoon Rolly, na sinundan ng 412 sa Central Luzon, 121 sa Calabarzon, 91 sa Cagayan Valley, 53 sa Ilocos Region, 41 sa Cordillera, 15 sa Mimaropa, at siyam sa Metro Manila.
Habang nasa 430 paaralan din ang ginagamit sa ngayon bilang mga evacuation centers.