Advertisers

Advertisers

VP SARA DINEDMA ULI ANG DOJ!

0 20

Advertisers

HINDI sumipot si Vice President Sara Duterte sa kanyang ikalawang preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) na isinagawa nitong Biyernes.

Kung saan, bigong magpakita ang naturang bise presidente upang iprisenta ng aktwal ang kanyang sarili kaugnay sa mga reklamong isinampa laban sa kanya.

Matatandaan na nahaharap si VP Sara sa mga reklamong inciting to sedition at grave threats matapos ihain ito ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice.



Ang mga naturang reklamong nabanggit ay nag-ugat sa mga isinapublikong pahayag ng bise presidente na pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez sakaling may mangyaring masama sa kanya.

Ngunit sa kabila nito, nagbigay paliwanag naman ang kanyang kampo, partikular ng kanyang mga abogado na sina Atty. Michael Poa at Atty. Paul Lim kung bakit wala ang ikalawang pangulo sa pangalawang preliminary investigation.

Anila’y hindi naman raw kinakailangan nitong dumalo sa nakatakdang pagdinig nitong Biyernes at tanging panig ng NBI naman ang hinihintay na magsumite ng ‘reply’.

Ito ay matapos nilang magsumite ng counter affidavit noong nakaraang linggo upang ipaliwanag at madepensahan ni VP Sara ang sarili kontra sa mga ibinabatong reklamo laban sa kanya.

Kaya’t dahil dito, tanging mga abogado na lamang ng ikalawang pangulo ang humarap at sumalang sa naka-iskedyul na ikalawang preliminary investigation sa Department of Justice.