Advertisers

Advertisers

DE LIMA TAKBO SA SC SA PAGBALIGTAD NG CA SA ACQUITTAL NG KANYANG DRUG CASE

0 10

Advertisers

BALAK ni dating Senador Leila De Lima na umapela sa Supreme Court (SC) matapos ang paglabas ng desisyon ng Court of Appeals (CA) na isinasawalang bisa ang desisyon na inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court.

Paglilinaw pa ni De Lima na hindi nangangahulugan na wala ng legal na epekto ang kaniyang acquittal.

Giit na ang kaniyang acquittal ay pinal at hindi na maiaapela dahil sa prinsipyo ng double jeopardy habang ang desisyon ng CA ay maari pa ring iapela.



Nagtataka rin ang senadora kung bakit tila hinihiling ng CA na muling maglabas ng desisyon.

Matatandaang naglabas ang Eight Division ng CA ng 12 pahinang desisyon na ang petition for certiorari ng Office of the Solicitor General ay ibabalik sa Branch 204 ng Muntinlupa RTC.

Bigo aniya si Muntinlupa RTC Branch 204 Presiding Judge Abraham Alcantara na ipaliwanag at patunayan ganun din ibahagi ang mga batas ukol sa basehan ng kaniyang acquittal sa dating senadora.