Advertisers
UMAPELA si Senador Christopher “Bong” Go sa Department of Social Welfare and Development na ibuhos na ang tulong sa mga mahihirap, mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 at mga biktima ng kalamidad.
Sinabi ni Go na kung may natitira pang pera ang DSWD ay ngayon na ang panahon para gamitin ito sa mga nangangailangang kababayan.
Ayon kay Go, dapat ibalik sa taumbayan kung ano ang nararapat na para sa kanila lalo pa at marami ang nahihirapan sa sitwasyon ng pandemic at mga kalamidad
Dagdag ni Go na dapat maabutan ng tulong ang mga naghihirap na kababayan gayundin ang mga pamilyang hindi nakatanggap ng ayuda sa Bayanihan 1 at 2.
Umaasa si Go na agad na tutugon ang DSWD lalo pa at madalas namang naghahatid ng tulong ang ahensiya sa mga biktima ng sunog, kalamidad at iba pang nangangailangan. (Mylene Alfonso)