Advertisers

Advertisers

1 pang killer ng abogado sa Cebu timbog sa Laguna

0 300

Advertisers

ARESTADO na ang pangunahing suspek sa pagpatay sa Cebu-based lawyer, Atty. Joey Luis Wee, sa isinagawang operasyon sa Cabuyao, Laguna.
Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC)-Director Eric B. Distor, ang nadakip na siya mismong pumatay kay Atty. Wee ay nakilalang si Fausto Edgar Benigno Peralta.
Positibong kinilala ng misis ng biktima na si Atty. Marilevi Lim Wee ang salarin.
Napaslang si Atty Wee noong November 23, 2020 habang papunta ito sa kanyang opisina sa Kasambangan, Cebu City. Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala at nalagutan ng hininga sa ospital.
May ilan pang suspek sa pamamaslang kay Atty. Wee na nanatiling at large, na kinabibilangan nina John Raymond Cabantao Suarez alyas Randy Benito Palparan at ilan pang John Does.