Advertisers
ARESTADO ang isang pulis na nagpaputok ng kanyang service firearm matapos ma-knock-out sa suntukan ng kaalitan sa Barangay Bita-og Gaja, New Lucena, Iloilo.
Kinilala ang pulis na si Staff Sergeant Agar Octaviano, imbestigador ng New Lucena Municipal Police Station.
Ayon kay Police Staff Sergeant Rodel Umahag, imbestigador ng kaso, nagkaroon umano ng alitan ang pulis at isang Andy Somido dahil sa away sa lupa.
Ayon kay Umahag, pinagtulungan bugbugin si Octaviano nina Somido at ng kanyang mga kasama dahilan para mawalan ito ng ulirat.
Nang magising si Octaviano sa pagkakabugbog, nagwala ito, tinangkang managa at nagpaputok ng baril kaya inaresto ng pulisya.