Advertisers

Advertisers

KAPITAN PATAY, TANOD SUGATAN SA SAKSAK!

0 313

Advertisers

NASAWI ang punong barangay habang sugatan ang tanod nito nang pagsasaksakin ng isang construction worker sa loob ng KTV Bar sa McKinley St., Barangay III, Roxas City.
Kinilala ang mga biktima na sina Ruben “Godo” Fuentes, Punong Barangay; at Cesar Edrosolano, tanod ng naturang barangay.
Ang salarin ay kinilalang si Virgilio Vigor ng Janiauy, Iloilo.
Sa ulat, habang nagro-ronda Lunes ng gabi ang kapitan at tanod, nakita nila si Vigor na gumagawa ng kaguluhan sa loob at labas ng KTV bar.
Dahil dito kinausap ito ng kapitan, ngunit sa halip na sumunod ay nagalit ito at biglang sinaksak ang opisyal at ang tanod.
Nagtamo naman ng saksak sa dibdib at tagiliran si Fuentes, dahilan ng kanyang kamatayan; habang nasugatan sa tiyan si Edrosolano na ginagamot sa ospital.
Mabilis namang tumakas ang salarin ngunit naaresto rin ito ng mga pulis.
Nakakulong ngayon sa Roxas City Police Station ang salarin na nakatakdang sampahan ng kasong murder at frustrated murder.