Advertisers

Advertisers

Covid update: 173 gumaling; 56 nasawi; 1,135 bagong kaso

0 263

Advertisers

TUMAAS pa ang bilang ng kaso ng covid-19 sa bansa nitong Martes, Disyembre 15.
Base sa case bulletin na inilabas ng DOH ngayong araw, nadagdagan pa ng 1,135 ang bagong kaso dahilan para umabot na sa kabuuang 451,839.
Habang 173 naman ang gumaling sa sakit kaya pumalo na sa 418,867 ang Covid-19 recoveries sa bansa.
Nasa 56 naman ang iniulat na bagong mga pumanaw kaya umabot na sa 8,812 ang namamatay sa Covid-19.
Ang aktibong kaso ay bahagyang bumaba sa bilang na lamang na 24,160.
Nanguna naman ngayon ang Rizal sa may pinakamaraming kaso na umabot sa 117, Bulacan na may 84 kaso habang 71 ang naitala sa Quezon City.
Napabilang na rin sa mga probinsya at siyudad na may naitalang maraming kaso ngayong araw ang Isabela na nakapagtala ng 39 kaso.
Ang Laguna naman ay mayroong 38 na kaso. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)