Advertisers
MATAPOS maitaas sa Salary Grade 15 ang basic salary ng government nurses, itinutulak ngayon ni Baguio Rep. Mark Go na maitaas rin ang sahod ng iba pang public medical and health service professionals.
Sa House Bill 8138, nais ni Go na ang maitaas din ang salary grade ng government dentists, medical technologists, pharmacists, occupational and physical therapists, veterinarians, optometrists, nutritionist-dieticians, psychologists, radiologic technologists, respiratory therapists, midwives, at medical laboratory technicians.
Ipinapanukala na ang isang government dentist ay bigyan ng minimum pay na katumbas ng Salary Grade 17 (P39,986); habang ang veterinarian na mula sa Salary Grade 13 (P28,276) ay gagawing Salary Grade 16 (P36,628); habang ang optometrist naman na mula Salary Grade 12 (P26,052) ay itataas sa Salary Grade 16.
Ang mga medical technologist, nutritionist-dietician, occupational therapist, pharmacist, physical therapist, psychologist at radiologic technologist ay gagawing Salary Grade 15 (P33,575) mula sa Salary Grade 11 (P23,877).
Itataas naman sa Salary Grade 10 ang (P21,205) ang mininum pay ng mga government respiratory therapist; para naman sa midwife position, mula sa kasalukuyang Salary Grade 9 (P19,552) ay gagawin silang Salary Grade 11; habang mula Salary Grade 6 (P16,200) ay itataas sa Salary Grade 8 (P18,251) ang mga medical laboratory technician.
Umaasa si Go na oras na maisabatas ito ay mas mapagbubuti ang kalagayan ng mga government medical at health service professionals at mas mahihimok na dito na lang magsilbi sa bansa. (Henry Padilla)