Advertisers
HINILING ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa Department of Health (DOH) na isapubliko ang presyo ng COVID-19 PCR test.
Aniya, dapat ay i-post ng DOH sa kanilang website ang eksaktong presyo ng COVID-19 PCR tests na iniaalok ng 191 licensed public at private laboratories sa buong bansa.
Punto nito na dahil sa kawalan ng transparency ay sinasamantala ng ilang pribadong ospita at laboratoryo ang pagtataas ng kanilagn singil sa pagpapasuri.
Katunayan mayroon din umanong ilang pribadong ospital ang nag outsource ng tests mula sa mga public laboratories at sisingilin ng napakamahal ang mga pasyente.
Ayon kay Pimentel, oras na magkakaroon ng transparency sa presyo ng swab test ay makakatulong ito sa mga pasyente na makapili ng nais na serbisyo sa nararapat na presyo.
Nais naman malinawan ng kiantawan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ginagawa ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau ng DOH ang paglalabas ng halaga o presyo ng bawat COVID-19 PCR test sa bawat laboratoryo sa bansa. (Henry Padilla)