Advertisers

Advertisers

Maynila handa na sa Covid-19 vaccine

0 340

Advertisers

MALAMANG na sa una o ikalawang linggo ng sunod na buwan, Pebrero, ay makapagsasagawa na ng mass vaccination kontra Covid-19 ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Opo! Nakahanda na ang mga refrigerator sa Sta. Ana Hospital, isa sa anim na district hospitals ng Maynila, para paglagakan ng Covid-19 vaccines na Pfizer at AstraZeneca mula sa Estados Unidos.

Ayon sa isang opisyal ng Lungsod, unang magpapabakuna si Mayor Isko Moreno sa harap ng publiko para magkaroon ng kumpiyansa ang publiko na ligtas ang magpabakuna laban sa coronavirus disease.



Maliban sa mga residente ng Maynila, welcone rin magpabakuna ang mga taga-ibang lungsod o munisipalidad, ayon mismo kay Yorme Isko.

Ganyan kami ngayon sa Maynila. Mabuhay ka, Yorme!

***

Inaanunsyo rin ni Yorme na mawawala na sa kalye ang traffic enforcers na nangingikil sa mga motorista!

Ang babantay nalang sa kalye ay ang high-definition CCTV camera. Walang lusot dito ang traffic violators lalo ang mga kriminal sa kalye. Malalaman lamang ang violations sa website (nocontact.manilacity.ph).



Siempre hindi makapagre-renew ng kanyang lisensiya ang driver o ng plaka ang sasakyan pag ‘di mabayaran ang violations na nairekord ng CCTV. Galing noh? High-tech na ang Maynila. Again,

Ang pinakamaganda rito, mag-aalangan na ang mga riding in tandem at iba pang kriminal sa paggawa ng krimen sa Maynila. Dahil malamang ay mahagip sila ng mga camera ng CCTV na nakatago sa bawat sulok ng kalye. Mismo!

Again… “Kois” is the name of the Mayor here.

***

Inanunsyo ni vaccine zcar Carlito Galvez na mali-mali ang mga price list ng Covid-19 vaccine na kumakalat sa social media at maging sa mga pahayagan.

Hindi nga lang daw nila puwedeng sabihin kung magkano ito. Pero mas mababa raw ito kesa sa mga naglabasang balita.

Ang naglabasang price list ng vaccines ay: Moderna, P3,904 – P4,504; Sinovac, P3,629.50; Pfizer, P2,379; Gamaleya, P1,220; Covax, P854; AstraZeneca, P610; at Novavax, P366.

Kung mas mababa pa nga rito ang kuha ng Pilipinas, Very good! Maaring nagsasabi na ng totoo rito si Sec. Galvez. Dahil wala narin silang magawa eh, nabuking na ng mga Pinoy kung magkano talaga ang presyo sa merkado ng Covid vaccines partikular Sinovac ng China na nasa P600 plus per dose lang pala, ayon sa Indonesian govt.

Kung hindi tayo nag-ingay at ang opposition senators malamang may magkakamal ng napakalaking kickback sa Sinovac. Mismo!

***

Sa kanyang lingguhang public address nitong Lunes ng gabi, isinapubliko ni Pangulong Rody Duterte ang pangalan ng mga barangay chairman na nangurakot sa pamamahagi ng SAP 1 at SAP 2 ng DSWD.

Pero sa halip palakpakan ng madla si Pangulo, negatibo ang nagong reaksyon dito ng netizens. Puros dilis lang daw ang binanggit ng Pangulo. Dapat daw ang pinangalanan ay ang mga nangulimbat ng daan daang milyon hanggang bilyones sa PhilHealth, DoH, DPWH, BIR, Immigration, Customs at mga kongresista. Higit sa lahat… dapat daw isapubliko ni Pangulo ang kanyang SALN. Araguyyyy…