Advertisers
USAP-USAPAN ang magagarang damit at bag na ibi-nibida ni Valenzuela City Councilor Kisha Coleen Ancheta sa publiko, sa pa-mamagitan ng social media posts niya.
Sa isang Reddit post noong Biyernes, Enero 23, kinuwe-sityon ng isang netizen ang asta ni Ancheta. Kalakip kasi ng post ang screenshot ng umano’y mensahe ng konsehala.
“Inggit ka lang eh HAHAHAHA, trabaho ka kasi, iyak ka nalang, gusto ko pa mainggit ka pa. Hahahahahaha,” mababasa sa umano’y mensahe ni Ancheta.
Bukod dito, makikita rin ang serye ng mga larawan na nakabalandra ang mga luxury brand na gamit tulad ng bag.
Sey tuloy ng Reddit uploader: “Ganito ba dapat umasta mga government official?”
Umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Sumisingaw pa din yung kanal kahit balot na ng Parada Loewe Hermes Can’t buy class. ”
“Jusko sobrang jejemon if thats really her replying like that.”
“Make this go viral para ma lifestyle check!”
“Kahit sino na lang kadi nakakatakbo dito satin. Kai-langan na talaga i-amend ‘yung requirements para naman mahirapan muna sila kakaaral kung gusto nila mang-corrupt.”
“Nabubuhay na ulit sila at ang mga nepo babies.”
“I mean that’s what u get with uneducated voters ”
“Tapos pag nag-viral, sa-sabihin admin niya lang daw yan kuno lol”
Naglilingkod si Ancheta bilang konsehal sa unang distrito ng Valenzuela City. Matatagpuan ang opisina niya sa 2nd Floor, Legislative Bldg., Valenzuela City Hall.
Pero bago pa man nahalal sa kasalukuyang posisyon, nauna na siyang nagsilbi bilang kagawad.