Advertisers

Advertisers

Pagkaantala sa pagbili ng body camera ng PNP, silip ng Makabayan bloc

0 220

Advertisers

ITINUTULAK ng Makabayan bloc sa Kamara na silipin ang pagka-antala sa pagbili at paggamit ng body cameras ng Philippine National Police (PNP).
Sa ilalim ng House Resolution 1480, tinutukoy ang P334-milyon na budget na inilaan sa PNP noong 2018 para pambili ng 12,476 body cameras.
Ngunit napurnada ang pagbili nito matapos na masangkot ang tatlong police majors sa pangingikil.
December 2019 nang mapili ng PNP ang winning bidder para sa 2,969 units ng body camera na aabot sa P288 Million.
Dapat ay noong April 2020 darating ang naturang order ngunit nabinbin bunsod naman ng mga limitasyon dahil sa pandemya.
Diin ng Makabayan bloc, makatutulong sana ang body cameras upang matiyak ang police accountability at transparency sa tuwing mayroon silang operasyon.
Kasunod na rin ito ng pagkakasangkot ng ilang miyembro ng PNP sa paglabag sa karapatang pantao tulad na lamang sa pagpatay ng isang Police Officer sa mag-inang Gregorio sa Tarlac at ang police operations sa Panay Island na ikinasawi ng siyam na Tumandok indigenous people. (Henry Padilla)
***
Duterte tiwala parin kay BSP Gov. Diokno (WINDOW)
INIHAYAG ni presidential spokesperson Atty. Harry Roque na nananatili ang buong tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno.
Itoy sa kabila ng graft charges na kinakaharap ni Diokno at ng anim na iba pang opisyal ng BSP dahil sa kwestyunable umanong procurement ng nasa P116-milyon na National ID Contract.
Sa katunayan ani Roque, ang mataas na tiwala ng Pangulo kay Diokno ang dahilan kaya na-promote ito upang maging gobernador ng BSP.
Giit ni Roque, naninindigan ang Malakanyang sa integridad ni Diokno, kung saan tiwala aniya siya na mabibigyang-linaw din ang isyu na ipinupukol sa opisyal. (Vanz Fernandez)