Advertisers

Advertisers

Cedula ‘di kailangan sa govt. transactions

0 384

Advertisers

PINAHIHINTO na ni Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang paggamit ng Community Tax Certification o cedula sa mga transaksyon sa gobyerno.
Batay sa House Bill 8445 o Government Services Modernization Bill na inihain ni Salceda, dapat na aniyang i-phase out ito sapagkat umuubos lamang ng isang araw ang proseso sa pagkuha ng cedula.
Hindi na rin aniya kapaki-pakinabang ang paggamit ng cedula ngayon lalo pa’t karamihan na sa mga Pilipino ay may government identification cards.
Hindi rin aniya ito sapat na identification at hindi rin epektibong gamit para sa local government collection.
Sa ilalim ng panukala ay binibigyang kapangyarihan ang Pangulo na suspindihin ang pag-iisyu ng cedula sa mga government transactions.
Nakapaloob din dito ang one-day business registration at “portability” o gawing accessible sa lahat ng panig ng bansa ang mga social services tulad ng PhilHealth, SSS, Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at iba pang social programs. (Henry Padilla)