Advertisers
NANINDIGAN parin ang pamilya ng flight attendant na si Christine Dacera na gagawin nila ang lahat para makamit ang hustisya na kanilang hinahanap.
Ayon kay Attorney Jose Ledda III, abogado ng pamilya Dacera, patuloy silang naniniwala na may krimen sa pagkamatay ng dalaga noong magdiwang ito ng Bagong Taon sa isang hotel sa Makati City.
Iginiit ni Ledda na ang bawat hakbang nila ay nakabase sa mga hawak nilang mga dokumento
Matatandaan na sinabi sa ulat ng Philippine National Police Crime Laboratory na ipinasa sa Makati Prosecutor’s nitong Miyerkules na nasawi si Christine dahil sa “natural causes.”
Itinanggi naman ng mga kasama ni Christine na naabuso at pinainom ng droga ang dalaga noong Bagong Taon.
Mababasa sa ulat ng PNP na malabo ang homicide sa kaso ni Dacera dahil makukunsidera ang aortic aneurysm bilang medical condition.
Ipinunto rin sa report na ang rape o drug overdose ay walang kinalaman sa development ng aneurysms.