Advertisers

Advertisers

Boom truck nagliyab, driver natusta

0 209

Advertisers

MAGKASAMANG nasunog ang drayber at minamanehong boom truck nang biglang mag­liyab nang aksidenteng mahagip nito ang kawad ng kuryente sa Barangay New Janiuay, Mlang, North Cotabato, Sabado ng hapon.
Kinilala ni P/Maj. Realan Mamon, hepe ng Mlang Police, ang namatay na si Noel Ababa, 47-anyos, residente ng Purok B, Mlang.
Sa report, 2:00 ng hapon magdidiskarga na sana ang driver ng mga kargang semento ng truck nang masagi nito ang live wire ng kuryente na naging sanhi ng biglang pagliyab ng boom truck.
Dahil sa bilis ng pangyayari, hindi na nakababa ng truck ang driver, dahilan ng kanyang pagkasunog.