Advertisers

Advertisers

Chinese dredging itinutulak imbestigahan sa Kamara

0 211

Advertisers

INIHAIN ng Makabayan bloc sa Kamara ang House Resolution 1528 upang maimbestigahan ang dredging operations ng China sa mismong teritoryo ng bansa.
Kasunod ito ng pagkakahuli ng Philippine Coast Guard sa Chinese dredging ship na Zhonhai 68 sa Zambales.
Ayon kay House Deputy Minority leader at Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, kailangan matukoy kung ano ang epekto ng dredging operations sa ating kapaligiran.
Dapat aniyang masilip ang epekto nito sa mga lugar ng kanilang operasyon tulad ng Cagayan at Central Luzon na lubhang binaha nang tumama ang bagyong Ulysses.
Dagdag pa ni Zarate, 2019 pa nang mamataan ang naturang Chinese dredging ship at nagpapalit lamang ng flag o watawat upang maikubli ang kanilang iligal na gawain.
May mga ulat din na ang mga dredged materials ay ginagamit para sa pagtatayo ng artificial islands sa West Philippine Sea.
Simula pa aniya noong 2017 ay marami nang Chinese dredging ship na namataan sa Aklan, Lobo, Batangas, Masinloc at Cabangan sa Zambales, Cagayan at Bataan na nagsasagawa ng black sand mining. (Henry Padilla)