Advertisers
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 2,022 kaso ng Covid-19 nitong Biyernes, Pebrero 12.
Sa kabuuan umabot na sa 545,300 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa buong bansa.
Nakapagtala naman ng karagdagang 333 sa mga recoveries kaya’t umakyat na ang kabuuang bilang ng gumaling sa sakit sa 500,654.
Habang ang naitalang bagong mga pumanaw ay nasa 26 dahilan para maging 11,495 na ang bilang ng namamatay sa sakit.
Ngayong Lunar New Year, paalala ng DOH na iwasan ang pagiging pabaya sa pagdiriwang.
Panatilihin ang mahigpit na heath protocol at minimum public health standards upang maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)