Advertisers
NADAKIP sa San Juan, Batangas ang tatlong bumaril kay dating Pangasinan Governor Amando Espino Jr. noong 2019 kungsaan isang security escort niya ang namatay.
Kinilala ang mga nadakip na sina Albert Palisoc, Armando Friaz Jr., at Benjie Resultan, pawang residente ng Urbiztondo, Pangasinan.
Isinagawa ang pagsalakay sa bahay na pinagtataguan ng tatlo sa Batangas sa bisa ng arrest warrant.
Pinaniniwalaan din na miyembro ng isang criminal group ang tatlo na nakadetine ngayon sa Basista Police Station.
Matatandaang hapon noong Setyembre 2019 nang tambangan ang sinasakyan ni Espino at mga kasama sa Barangay Magtaking sa San Carlos City, Pangasinan.
Nasugatan si Espino pero nakaligtas habang nasawi ang kaniyang security escort.