Advertisers

Advertisers

Octa Research tutol na isailalim sa MGCQ ang buong bansa simula Marso 1

0 233

Advertisers

MARIING tinutulan ng mga eksperto mula sa Octa Research Team ang rekomendasyon ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim sa mas maluwag na quarantine classification ang buong bansa simula Marso 1.
Ayon kay Prof. Ranjit Rye, hindi pa handa ang ating bansa na isailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) dahil na rin sa mga naitala na bagong kaso ng UK variant ng covid-19.
Dagdag pa rito, ang hindi pa umuusad na vaccination program kung saan dapat munang mabakuhan ang lahat ng medical frontliners.
Paliwanag pa ni Rye, nauunawaan nila na kailangan umusad ang ekonomiya ng bansa subalit kailangan din ikonsidera ang kalusugan ng mamamayan.
Maging ang desisyon ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na payagan ang pagbubukas ng mga sinehan at amusement parks ay mariin ding tinutulan ng Octa Research Team. (Jonah Mallari)