Advertisers
SI Manny Pacquiao ay maaring may isa o hanggang dalawang laban nalang sa kanyang boxing career bago tuluyang mag-full-time switch sa mundo ng politika. Pero ang gusto ng dating eight-weight world champion ay kumamal ng malaking pera sa kanyang huling (mga) laban.
Si Pacquiao, may hawak ng WBA (Super) welterweight title sa loob ng isang taon at kalahati bago inilagay ito sa “champion in recess” dahil sa inactivity, sinabi sa Daily Tribune na gusto niya ng malaking laban kontra sa kasalukuyang kampeon.
Ang matagal nang WBO welter king na si Terence Crawford ang nasa top list ng fans ni Pacquiao na gusto nitong makalaban. Pero ang sagabal rito ay pera.
“I like to fight somebody who has a title,” sabi ni Pacquiao sa interview.
“We told Bob [Arum] I get $40 million and Crawford gets $10 million.
“I will fight anybody. You know me, I don’t back away from any challenge. Bring ‘em on!”
Ang dapat na makaharap ni Pacquiao para kumita ng malaking pera ay ang MMA star na si Conor McGregor. Pero napurnada ito nang ma-knockout ang Irishman kay Dustin Poirier kamakailan.
Kailangan ni Pacquiao ng malaking halaga para sa kanyang planong pagtakbong presidente ng Pilipinas sa 2022 election.