Advertisers

Advertisers

40 sa 44 kaso ng UK COVID-19 variant gumaling na – DOH

0 232

Advertisers

INIULAT ng Department of Health (DOH) na nasa 40 na mula sa 44 kaso ng UK COVID-19 variant na naitala sa Pilipinas ang gumaling na mula sa karamdaman.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau (EB) Director Alethea De Guzman, hanggang nitong Pebrero 14, ay tatlong kaso na lamang sa mga ito ang nananatiling aktibo at nagpapagaling.
Kabilang umano sa tatlong aktibong kaso, na pawang naka-isolate na, ay ang returning overseas Filipino mula sa United Arab Emirates, isang 20-anyos na babae mula sa Sabangan, Mountain Province, at isang 37-anyos na lalaki mula sa Impasug-ong, Bukidnon.
Samantala, nananatili pa rin sa isa ang bilang ng pumanaw dahil sa karamdaman, at ito ay ang 84-anyos na lolo mula sa La Trinidad, Benguet.
Sa 44-kaso, 28 ang lokal habang 15 naman ang returning overseas Filipinos, habang di pa tukoy ng DOH ang tirahan ng isa pang kaso.
Sa 28 local cases, 14 ang iniuugnay sa Bontoc, Mountain Province cluster habang dalawa naman ang konektado sa La Trinidad cluster, kabilang ang isang 15-anyos na babae at ang lolong namatay.
Ayon kay De Guzman, mayroon lamang “minimal transmission” ng variant, na nangangahulugan aniya na gumagana ang istratehiyang ginagamit ng pamahalaan dito.
Samantala, iniulat rin naman ni De Guzman na hanggang noong Pebrero 12 ay may 1,945 samples ang isinailalim nila sa genome sequencing at 30% o 582 sa mga ito ang mayroong e B.1.1.63 lineage o ang Hong Kong variant.
Sinabi naman ni Philippine Genome Center Executive Director Cynthia Saloma na normal lamang ang pag-mutate ng virus, at idinagdag na ang coronavirus ay mas mabagal mag-mutate kumpara sa iba pang virus.
Batay sa ulat ng DOH, halos 551,000 na ang naitatala nilang COVID-19 cases sa bansa, halos 512,000 naman ang nakarekober at nasa 11,517 naman ang sinawimpalad na bawian ng buhay. (Andi Garcia)