Advertisers
LUMOBO pa ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 1,391 bagong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong Martes, Pebrero 16.
Dahil dito, sumirit na sa 552,246 ang kabuuang kaso ng nakamamatay na sakit sa bansa.
Nadagdagan naman ng 45 ang gumaling kaya umabot na sa 511,796 ang Covid-19 recoveries.
Habang pitong lamang ang nasawi dahilan para maging 11,524 na ang death case.
Kasalukuyan namang nagpapagaling pa sa mga quarantine facility ang nasa 28,926 na mga aktibong kaso.
Lima ang duplicate na inalis sa total case counts kung saan dalawa rito ang recoveries.
May dalawa ring nai-tag bilang recoveries na na-reclassify bilang deaths matapos ang final validation.
Sa ngayon, umabot muli sa 10 ang mga licensed laboratories ng DOH na bigong makapagsumite ng kanilang mga datos sa Covid-19 data Repository System (CDRS). (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)