Advertisers

Advertisers

3 BANGKAY NA ‘BUBUHAYIN’ NG KULTO NAREKOBER NG PULISYA!

0 216

Advertisers

TATLONG bangkay ang narekober sa grupo ng isang kulto sa Arakan, Cotabato.
Kinilala ang mga bangkay na sina Leonardo Lauron Capillan, 61 anyos, namatay Enero 31, 2021; anak nitong si Bernardo Provida Capillan, 32, namatay Pebrero 1, 2021; at Ailyn Magali,18, dalaga, namatay Pebrero 6, 2021. Ang mga ito’y residente ng Barangay Libertad, Arakan.
Ang kulto ay pinamumunuan ng isang Nicholas Canonigo alyas “Kolas” at kanyang anak na si Joana Lou.
Naniniwala ang grupo na maliligtas sila sa pagtira sa gitna ng bundok at malayo umano sa problema.
Kain, tulog at dasal lamang ang ginagawa ng mga miyembro ng kulto na naniniwala rin na hindi maililigtas ang isang indibidwal kung ililibing pagkatapos nitong mamatay.
Sasanib umano kay Joana Lou si Santa Maria at mabubuhay ang mga bangkay.
Una nang nagpaabot ng reklamo ang pamilya ng tatlong namatay dahil nangangamoy at naaagnas na.
Tutol umano ang mag-amang Canonigo na kunin ang bangkay at ilibing.
Nagsagawa ng negosasyon ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Arakan sa pangunguna ni Mayor Rene Rubino, pulisya at militar na lisanin na ng grupo ni Canonigo ang lugar kungsaan sila nagtitipon.
Kusang namang umuwi mga myembro ng kulto sa kanilang mga tahanan na dumalo sa isang ritwal.
Iniimbestigahan pa ang mag-amang Canonigo kung may pananagutan sila sa batas.