Most wanted sa Sorsogon timbog sa Cavite

31

NAARESTO ng mga elemento ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group ang isang most wanted person sa operasyon sa Naic, Cavite, Linggo ng umaga.
Kinilala ang naaresto na si Joven Eneño, No.8 most wanted sa Gubat, Sorsogon.
Ayon kay BGen Jonnel Estomo, direktor ng PNP AKG, 6:00 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang PNP AKG ICMD at Gubat Police sa Pasinaya Home Central, Naic.
Si Eneno ay may warrant of arrest sa kasong frustrated murder RTC Branch 54, 5th Judicial Region, Gubat, Sorsogon noong Oct. 30, 2018.(Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.